Kagabi ang Simula ng Pagbabago

View previous topic View next topic Go down

Kagabi ang Simula ng Pagbabago

Post  xerxes on Mon Jul 06, 2009 4:41 pm

Kagabi nasa birthday party ako ni Konsehal Jules Moncupa sa Pacheco Resort, Pita, Dinalupihan. Ika 40 na kaarawan nya. Madami ang bumati sa kanya sa kanyang kaarawan sa entablado na inihanda. Kasama ako sa nagsalita upang papurihan ang magiting na konsehal ng bayan ng Dinalupihan. Matapos ng mga pagbati mula sa kanyang pamilya, mga kapitan ng Dinalupihan, mga kaibigan, kamag-anak, dating kaklase at mga supporter galing sa iba't ibang grupo, nagpasalamat si Kuya Jules sa lahat at nagsabing tuloy ang laban sa 2010.

Ang deklarasyon nya na sya ay tatakbo sa pagka Mayor sa 2010 ay isinabay sa selebrasyon ng kaniyang kaarawan (ngayon talaga ang bday nya), napaluha pa sya habang sinasabi na "salamat at ramdam nyo na mahal ko ang Dinalupihan... Salamat sa suporta ninyo."

Si Julius "Jules" Moncupa ay kasama ko sa Jaycess at sa Nuclear-Free Bataan Movement bilang Chairman namin. Si Kuya Jules ay ang Most Outstanding Councilor ng Dinalupihan sa madaming taon at ang huli ay iginawad sa kanya last year. Sya din ang Most Outstanding Councilor ng Bataan. Sya ay dating pinuno ng Knights of Columbus. Kapatid nila former DAR Usec Dan Moncupa at LandBank of the Philippines President Tony Moncupa.

Miyembro sya ng Lakas-Kampi CMD, at opisyal na kandidato sa pagka Mayor sa bayan ng Dinalupihan sa 2010 kasama si Governor Tet Garcia at mga anak nya lalo na si Ms. Gila Garcia na tatakbo bilang Congresswoman ng Unang Distrito ng Bataan.

xerxes
Admin
Admin

Posts : 12
Join date : 2009-06-10
Age : 35
Location : Dinalupihan, Bataan

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum